Gumagabi na walang tahanang uuwian, Naranasan mo nabang matulog sa malamig na mga sementadong daan? na ang tanging panangalang sa lamig ng gabi ay karton at mga diyaryong tinintihan ng bughaw na karahasan.. Ganito ang buhay ng mga taong sumuko sa magulong mundo. Darating ang bawat umaga, ngunit walang almusal na ipapasok sa nakapinid nilang mga labi kundi alikabok at usok na pinakakawalan ng magulong lungsod. Naglalakad kahit saan! saan nga ba sila patungo? namumulot ng kahit na ano plastik,bote,garapa mga tira-tirang pagkain panustos sa kumakalam na sikmura... Gumagabi na tapos ng manilbihan si haring araw pumasok sa madilim na telon si reynang Buwan sadyang matagal magbilang ng gabi para sa mga taong namumuhay sa kadiliman ng buhay tutuyain kapa ng lipunan sa sinapit mong kalagayan mapanghusga ang mga taong hindi nakakakilala sayo. Ang tanong ko kailan mo masisilayan ang liwanag at muli siyang matutulog ng nakabaon sa limot, Ngunit sadyang sumasaya ang kanyang mga gabi dahil masasaksihan niya ang mga magsing-irog na nagbibilang ng halakhak at halik at condom sa ilalim ng tulay maririnig niya rin ang mga yapak at katuwaan ng mga batang nghahabulan at nagtataguan sa matandang puno ng balete sa parke. Kabisado niya na ang bawat eskinitang dinaraanan niya sa pagsapit at pagkagat ng dilim. Lubos na mapanglaw ang kanyang pagiisa sadyang kay hirap abutin ng mga talang kumukutitap sa dilim nakakabingi ang awit ng mga kuliglig hungkag ang damdamin na pinatigas na panahon Gustuhin niya mang sumigaw Bakit ganito ang naging kapalaran niya! Parang unti-unting nakikidalamhati ang mga ulap at bumagsak ang sariwang ulan diniligan ang pagkatong niyang wasak babangon ka pa ba? o aantayin mo nalang ang anghel ng kamatayan. Sawa ka naba! napakahina mo naman! sadyang hindi madali ang buhay tulad ng mga eskinita, maraming nilulusutan labanan mo ang mga personal mong demonyo malakas ba ang mga tinig nila balisa at naiinis kana parang apoy na sumisiklab poot at galit luha sa kinasadlakang mong impyerno subalit may boses at kamay na humahawak sayo at muli niyang madadama ang kakaibang kapayapaan sadyang nasa lupa lamang ang katahimikan ng hinukay na lupa! paalam kaibigan at dito muling uusbong ang binhi ng pag-asa.

No comments:
Post a Comment